MANILA, Philippines - Binatikos ng Professional Customs Brokers Association of the Philippines (PCBAPI) sa pangunguna ng kanilang pangulo ang isang opisyal ng Bureau of Customs kaug nay sa promotion na ibibigay dito dahil sa mga kaso na kinahaharap nito.
Tinuligsa ni Agapito Mendez Jr., pangulo ng PCBAPI, ang isang Atty. Rogel Gatchalian na pigilan ang pagbibigay dito ng promotion at i-demote pa ito sa tungkulin.
Ayon kay Mendez, si Gatchalian ay may mga kaso umano sa Office of the Ombudsman dahil sa umano’y paglabag sa Graft and Corrupt Practices Act.
Hiniling din ng grupo sa Integrated Bar of the Philippines na i-disbar si Gatchalian. (Butch Quejada)