BI relief efforts sinimulan
MANILA, Philippines - Maging ang mga opisyal at empleyado ng Bureau of Immigration (BI) ay namigay na rin ng mga relief goods sa mga biktima ng bagyong Ondoy at Pepeng sa mga residente ng Laguna at Pangasinan.
Pinangunahan ni BI Commissioner Marcelino Libanan ang pamimigay ng mga relief goods sa mga residente ng San Pedro, Laguna at Dagupan City.
Ang nasabing relief operations ay bahagi umano ng “Oplan Sagip sa Kapwa Pilipino” kung saan inilunsad ng BI habang nasa kasagsagan ng dalawang magkasunod na bagyo noong nakaraang linggo.
Mahigit sa 2,4000 na plastic bags ng mga relief goods ang ipinamahagi ng grupo ni Libanan sa mga residente ng San Pedro na nagtipon-tipon sa Central Elem. School.
Sumunod na araw nagtungo naman ang grupo nila Libanan sa San Carlos City, Lingayen at Dagupan upang mamahagi ng relief goods
Nabiyayaan sa naturang lugar ang may 2,000 pamilya mula sa 13 barangay. (Gemma Garcia)
- Latest
- Trending