Erap-Binay tandem sa 2010, kasado na
MANILA, Philippines - Pormal nang inanunsiyo kagabi ni dating pangulong Joseph Estrada ang pagsabak niya sa pagkapangulo sa darating na halalan sa 2010 kung saan magiging bise presidente niya si Makati Mayor Jejomar Binay.
Sa ginanap na national convention sa Plaza Hernan dez sa Moriones, Tondo, Maynila na dinaluhan ng tinatayang nasa 20 libong crowd o tagasuporta ng dating pangulo, inihayag ni Estrada na panahon na upang mabawi ng bayan ang matagal nang ninakaw na boto, patungkol sa pandaraya sa kaibigang si Fernando Poe Jr. noong 2004 presidential elections.
Kasama sa political line-up ni Estrada sina Senate President Juan Ponce Enrile na nagbigay ng nomination speech, dating House Speaker Jose de Venecia at anak na si Senate President Pro -Tempore Jinggoy Estrada.
Naroon din ang ilan pang political figure tulad ng maybahay ni Estrada na si Dr. Loi Ejercito, ER Ejercito, San Juan Mayor JV Ejercito, dating Senator Ernesto Maceda, Roy Seneres at ilang mga artista na nagbigay ng suporta.
Hindi naman dumalo sa pagtitipon sina Edu Manzano, Gen. Danilo Lim at guest candidate na si Sen.Miriam Defensor Santiago.
Tiniyak din ni Estrada sa kanyang speech na nakahanda siyang harapin ang pagkuwestiyon sa legalidad ng kanyang pagtakbo sa Commission on Election. (Ludy Bermudo)
- Latest
- Trending