^

Bansa

CCTVs walang silbi!

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Kinastigo ni Gabriela party-list Rep. Liza Maza ang kawalang silbi ng mga Closed Circuit Television Cameras (CCTVs) sa ma­ tataong lugar sa Metro Manila dahil sa ka­biguan nitong mapigilan ang na­kawan sa isang tindahan ng mamahaling relo sa Greenbelt 5 noong Linggo.

Sinabi ni Maza na ang naganap na robbery sa Waltermart kamakailan at ang pagtaas ng krimen sa Maynila ay hudyat na ma­hina ang liderato ni National Capital Regional Police Office Director Chief Supt. Roberto Ro­sales.

Dismayado ang mam­ba­batas kung papaano rumisponde at hinawa­kan ng NCRPO ang na­sabing insidente. “Pa­nahon nang tignan ang performance ni Rosales,” ani Maza. “Pa-pogi” tactic lamang ni Ro­sales ang kanyang paha­yag na tukuyin ang Alvin Flores Gang bilang nasa likod ng nasabing nakawan sa Greenbelt 5.”

“Nagpapakita lamang ito ng mahinang pamu­muno ni Rosales. Sina­sabi nya na pikon na pi­kon na sya sa grupo na yan, and yet di nila matu­koy o ma­pangalanan sinu-sino yung mga nasa likod mismo ng pang­hohold-up sa mga mall,” pahayag ni Maza.

“Milyunes ang intelligence funds. Anong gi­nagawa nila? Inutil ang police forces kaugnay ng pag­ huli sa mga suspek sa Greenbelt 5,” sabi pa ng kongresista.

Pinuna rin ni Maza na tila abala umano si Rosa­les sa kanyang ambisyon na maging PNP chief kaya hindi niya natututu­kan nang maigi ang peace and order sa Metro Manila.

ALVIN FLORES GANG

ANONG

CLOSED CIRCUIT TELEVISION CAMERAS

DISMAYADO

GABRIELA

LIZA MAZA

METRO MANILA

NATIONAL CAPITAL REGIONAL POLICE OFFICE DIRECTOR CHIEF SUPT

ROBERTO RO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with