132 patay sa leptospirosis

MANILA, Philippines - Umaabot na sa 132 ang bilang ng mga nama­ tay dahil sa sakit na lep­tos­pirosis sa National Capital Region pa lamang batay sa pinakahuling da­tos ng Department of Health.

Mula Oktubre 1-19, ang San La­zaro ang pina­kamataas na nakapagtala ng mga kaso ng namatay dahil sa leptospirosis na umabot sa 44.

Aabot naman sa 1,836 ang kaso sa may 15 mala­laking pa­gamutan sa NCR kung saan nangunguna ang San Lazaro na uma­bot sa 401 at sinun­dan ng Quirino Memorial Medical Center na nasa 305.

Kasabay nito sinabi din ni Dr. Eric Tayag, hepe ng National Epidemiology Center ng DOH na maari ding makuha sa putik ang nasabing sakit. Aniya, ang “leptospira bacteria” na nagdudulot ng sakit na leptospirosis ay nabu­buhay ng hanggang isang buwan sa tubig o sa putik.

Bunsod nito ay pina­yuhan ng DOH ang pub­liko na huwag pakasiguro kahit pa humupa na ang baha sa kanilang mga lugar dahil kahit wala nang tubig baha subalit may­roon pa ring putik sa loob ng bahay ay hindi pa rin sila ligtas sa sakit. (Doris Franche/Ludy Bermudo)

Show comments