^

Bansa

Lacson pinagbigyan ng DOJ

-

MANILA, Philippines - Pinagbigyan ng Department of Justice (DOJ) ang kampo ni Senador Panfilo Lacson na magsumite ng counter affidavit hanggang sa Oktubre 26 o sa Lunes para sa kasong Dacer-Corbito double murder case na inihain ng mga anak ng publicist na si Salvador “Bubby” Dacer.

Ayon kay Acting Justice Secretary Agnes De­vanadera, na sa kabila ng submitted for resolution na ang kaso ay kanila pa ring pinagbigyan ang kahilingan ng kampo ni Lacson para na rin sa kapakanan ng hustisya.

Magugunita na nauna nang isinumite para sa resolution ng DOJ panel of prosecutors sa pangunguna ni Senior State Prosecutor Peter Ong ang naturang kaso noong Oktubre 8 matapos na mabigo si Lacson na magsumite ng counter affidavit at dumalo sa mga itinakdang preliminary investigation na binigyan lamang ng 10-araw na deadline.

Iginiit naman ng Kalihim na dapat personal na humarap si Lacson at panumpaan sa panel of prosecutors ang kanyang counter affidavit sa Lunes.

Kaugnay nito nakatakda namang sampahan ng kaso ngayong Miyerkules ng mga anak ni Dacer si dating Pangu­ long Estrada sa DOJ bunsod pa rin sa naturang kaso.

Kinumpirma ni Atty. Demetrio Custodio, abogado ng mga Dacer na hawak na niya ang kopya ng complaint laban kay Erap subalit tumanggi itong ibunyag kung ano ang nilalaman nito. (Gemma Garcia)

vuukle comment

ACTING JUSTICE SECRETARY AGNES DE

AYON

DACER

DEMETRIO CUSTODIO

DEPARTMENT OF JUSTICE

GEMMA GARCIA

LACSON

OKTUBRE

SENADOR PANFILO LACSON

SENIOR STATE PROSECUTOR PETER ONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with