MANILA, Philippines - Patuloy na nagbabanta ang bagyong Ramil na inaasahan umanong magla-landfall ngayon sa Northern Luzon. Si Ramil ay namataan ng PAGASA sa layong 820 kilo metro silangan hilagang silangan ng Aparri, Cagayan taglay ang pinaka malakas na hanging 195 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso hanggang 230 km bawat oras.
Sa Huwebes, ang bagyo ay nasa layong 120 km hilagang silangan ng Aparri, Cagayan at sa araw ng Biyernes ay nasa layong 150 km timog kanluran ng Laoag City.
Bunsod nito, nakataas ang babala ng bagyo bilang 2 sa Batanes Group of Islands, Cagayan, Calayan Island, Babuyan Islands at Isabela.
Signal no. 1 naman sa Ilocos Norte, Apayao, Abra, Kalinga, Mt. Province, Ifugao, Nueva Vizcaya, Quirino, Aurora at Polillo Islands. (Angie dela Cruz)