Ebdane inindorso

MANILA, Philippines - Isang grupo ng mga manggagawa ang pormal na nag-endorso sa kandidatura ni Public Works Secretary Hermogenes Ebdane Jr. sa pagka-presidente sa eleksiyon sa susunod na taon.

Pinili ng Lapiang Manggagawa (LM) si Ebdane, dating pinuno ng Philippine National Police, upang maging “standard bearer” ng group para sa eleksiyon sa Mayo.“Aming isinusulong ang kandidatura ni Ebdane bilang susunod na president, bilang opisyal na kandidato ng labor party,” wika ni LM chairman Jose Malvar Villegas sa isang pulong-balitaan sa Manila Hotel.

Sinabi ni Villegas na si Ebdane ang tamang kandidato upang pangunahan ang pag-unlad ng Pilipinas dahil sa kanyang magandang track record. (Butch Quejada)

Show comments