Total gun ban ipapatupad
MANILA, Philippines - Ipapatupad na ng Commission on Elections simula sa Enero 2010 ang total gun ban para sa darating na halalan.
Ayon kay Commission on Elections Commissioner Lucenito Tagle, katulong sa pagpapatupad ng total gun ban ang Philippine National Police upang mapigilan ang mga karahasan sa panahon ng eleksyon.
Sinabi naman ni PNP Director Gen. Jesus Versoza na, sa illaim ng total gun ban, ang mga awtoridad lamang ang pahihintulutang magdala ng baril at limitado lang sa dalawa ang security escort ng mga kandidato. (Doris Franche)
- Latest
- Trending