MANILA, Philippines - Hiniling kahapon ng Knights of Columbus St. John the Cross-Makati Chapter sa Commission on Elections ang paglilinis sa voters’ list sa buong bansa upang lubusang matiyak na magiging malinis ang pagdaraos ng 2010 national at presidential elections.
Ayon kay Atty. Edna Batacan, abogado ng sa mahan, nais ng kanyang mga kliyente na pamunuan ni Comelec Chairman Jose Melo ang paglilinis sa listahan ng mga botante upang maiwasan ang pagboto kahit ng mga “patay” na at “flying voters”.
Sa Makati City kung saan nakatira at bumuboto ang Knights of Columbus, may mga kaso na nakakaboto pa rin sa siyudad ang mga residenteng nailipat na sa Southville 1 sa Cabuyao at Calauan sa Laguna noon pang 2006.
Sinabi ni Batacan na dapat magkaisa ang lahat ng sektor upang mahadlangan ang mga mandadaya sa eleksyon sa pamamagitan ng depektibong voters’ list. (Doris Franche)