^

Bansa

Paglinis sa voter's list giit

-

MANILA, Philippines - Hiniling kahapon ng Knights of Columbus St. John the Cross-Makati Chapter sa Commission on Elections ang paglilinis sa voters’ list sa buong bansa upang lubusang matiyak na magiging malinis ang pagdaraos ng 2010 national at presidential elections.

Ayon kay Atty. Edna Batacan, abogado ng sa­ mahan, nais ng kanyang mga kliyente na pamunuan ni Comelec Chairman Jose Melo ang paglilinis sa lis­tahan ng mga botante upang maiwasan ang pag­boto kahit ng mga “patay” na at “flying voters”.

Sa Makati City kung saan nakatira at bumuboto ang Knights of Columbus, may mga kaso na naka­kaboto pa rin sa siyudad ang mga residenteng naili­pat na sa Southville 1 sa Cabuyao at Calauan sa La­guna noon pang 2006.

Sinabi ni Batacan na dapat magkaisa ang lahat ng sektor upang mahad­langan ang mga manda­daya sa eleksyon sa pa­mamagitan ng depektibong voters’ list. (Doris Franche)

AYON

BATACAN

CABUYAO

COMELEC CHAIRMAN JOSE MELO

DORIS FRANCHE

EDNA BATACAN

KNIGHTS OF COLUMBUS

SA MAKATI CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with