^

Bansa

Paaralan bilang evacuation center tinutulan ng DepEd

-

MANILA, Philippines - Umapela kahapon si Department of Education Secretary Jesli Lapus sa mga pinuno ng lokal na pama­halaan na huwag nang ga­wing evacuation centers ang mga pam­publikong pa­aralan tuwing may kalami­dad.

Ito’y matapos na maka­tang­gap na ng napakara­ming ulat ang DepEd bu­ hat sa pamilya ng mga mag-aaral na inaabuso sila ng ilang evacuees na nanu­nu­luyan pa sa ka­nilang paara­lan matapos na ma­salanta ng bag­ yong On­doy ang Metro Manila at ng bag­yong Pepeng ang Hi­laga at Git­nang Luzon.

Kabilang sa mga naiulat na may naganap na naka­wang may sangkot na mga evacuees ang ilang pa­aralan sa Marikina City habang may kahalintulad na insidente rin ng naka­wan sa Alabang Elementary School sa Muntin­lupa City.

Idiniin rin ni Lapus na na­sisira ang natural na daloy ng klase sa mga paaralan dahil sa kina­kapos sila ng silid-aralan na inookupahan ng mga evacuees bukod pa sa ingay at iba pang ka­gulu­han ng ilan sa mga ito.       

Pinasalamatan naman ni Lapus ang ilang mga gober­nador at alkalde na tumu­tugon sa kanyang pana­wagan sa paglilipat sa mga “evacuees” sa mga “covered courts, gymnasiums, at auditoriums”.

Sinusuportahan naman ng DepEd ang panawagan sa pagtatayo na ng mga gusali na gagawing per­manenterng evacuation centers dahil sa ina­asahan ang pagdaan pa ng marami pang kalamidad sa bansa na natural na da­anan ng mga bagyo sa Pasipiko. (Danilo Garcia)

vuukle comment

ALABANG ELEMENTARY SCHOOL

DANILO GARCIA

DEPARTMENT OF EDUCATION SECRETARY JESLI LAPUS

IDINIIN

LAPUS

MARIKINA CITY

METRO MANILA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with