2 Pinoy huli sa droga
MANILA, Philippines - Dalawang Pinoy ang nahaharap sa parusang bitay matapos tangkaing ipasok ang ilegal na droga sa paliparan ng Iran.
Sa report ng Embahada ng Pilipinas sa Iran sa Department of Foreign Affairs (DFA) kahapon, agad na inaresto ang dalawang di pinangalanang Pinoy matapos na masuri ng Iranian Customs authorities na naglalaman umano ng illegal drugs, (shabu o cocaine) ang kanilang bagahe.
Ayon sa Embahada, ginamit at inupahan ang dalawang Pinoy ng hinihinalang international drug ring matapos na pangakuan na mabibigyan ng trabaho at malaking suweldo sa Iran. Inatasan ang dalawa na isabay na sa kanilang pagbiyahe patungo sa Iran ang padalang package kung saan hindi nila alam na naglalaman ito ng ilegal na droga.
Sa ilalim ng Sharia Law, ang mga mahuhulihan o tangkang magpuslit ng illegal drugs sa Iran ay may katapat na parusang habambuhay na pagkabilanggo o death by hanging. (Ellen Fernando)
- Latest
- Trending