Utang ng Pinas 'wag muna bayaran
MANILA, Philippines - Dapat ipagpaliban muna ng pamahalaang Arroyo ang pagbabayad ng isang taon sa utang-panlabas ng bansa upang magamit ang naturang pera sa pag-ahon ng ekono miya matapos na tamaan ng magkasunod na delubyo.
Kinastigo ni Milo Tanchuling, ng National Anti-Po-verty Commission, ang plano ng pamahalaan na umutang ng may $1.1 bilyon o katumbas na P50 bilyon sa International Monetary Fund at World Bank na gagamitin umano para sa rehabilitasyon ng bansa matapos ang napakalaking pagkawasak sa mga inpras-traktura, agrikultura at pagkasawi ng marami.
Iginiit ni San Pascual na hindi dapat umutang ang Pilipinas kundi dapat maningil sa mga 1st World Countries tulad ng Estados Unidos dahil sa sila umano ang may kagagawan ng nagaganap na “climate change” sa buong mundo dahil sa emisyon nila ng nakalalasong kemikal na nagiging daan sa “greenhouse effect”.
“Kasalukuyan pong may P48,000 na utang ang ba wat Pilipino ngayon bu-hat sa mga utang-panla- bas na ginawa ng pama- halaan. Sa halip na muling umutang sa mayayamang bansa na ito na siya namang may kagagawan ng “climate change” ay mas dapat natin silang pagbayarin dahil sa sila ang sanhi ng pagkasira na ating naranasan,” ani Tanchuling.
Ipinaliwanag nito na biktima ang Pilipinas at iba pang third world countries sa mga basura sa hangin na ikinakalat ng mga mayayamang bansa na lalo pang nagbabaon sa atin sa kahirapan dahil sa pag- papautang sa halip na kusang-loob na pagtulong. (Danilo Garcia)
- Latest
- Trending