^

Bansa

Legitimation ng anak kahit hindi kasal ang magulang, aprubado na

-

MANILA, Philippines - Lagda na lamang ni Pa­ngulong Gloria Macapa-gal-Arroyo ang hinihintay upang ganap nang maging batas ang pinagsa­mang House Bill 5279 at Senate Bill 3111 na niratipi­kahan ng bicameral conference committee ng Kongreso.

Sa naturang panuka­lang-batas, magiging legal na o legitimate ang mga anak ng mga menor-de- edad na magulang.       

Ayon kay Valenzuela City Rep. Atty. Magtanggol ‘Magi’ Gunigundo, principal author ng panukala, inam­yendahan nila ang isang probisyon ng Family Code na hindi kumikilala sa ba­tang ipinangak ng kanilang mga magulang na wala pang 18-anyos.

Bago ang panukala, ang biological parents na nasa tamang edad at nag­desisyong magpakasal    ay kailangang ampunin ang kanilang sariling anak upang maging tunay o legitimate nilang anak.

Sa ilalim ng bagong apru­bang batas, mabubu­ra ang dinaranas na diskri­minasyon ng mga batang hindi nailalagay sa apelyi­do ng kanilang mga magu­lang kumpara sa ibang bata na awtoma­ti­kong na­giging kaapelyido pagka­silang. (Butch Quejada)

vuukle comment

AYON

BUTCH QUEJADA

FAMILY CODE

GLORIA MACAPA

GUNIGUNDO

HOUSE BILL

SENATE BILL

SHY

VALENZUELA CITY REP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with