96 na todas sa leptospirosis!

MANILA, Philippines - Umaabot na sa 96 ka­tao ang kumpirmadong nasawi sa sakit na leptospirosis na karamihan sa mga biktima ay mga resi­dente ng mga binahang lugar sa lungsod ng Pasig at Marikina.

Sa pahayag ni Dra. Yolanda Oliveros ng Department of Health-Natio­nal Center for Disease Prevention, tumaas na sa 1,336 ang naitalang mga kaso ng sakit na leptospi-rosis na nag-umpisa ilang araw matapos na hagupi-tin ng bagyong Ondoy ang Metro Manila at mga kara­tig lalawigan.

Ang leptospirosis ay isang uri ng malubhang sakit na nakukuha mula sa ihi ng daga na karaniwan ng sumasama sa tubig-baha.

Magugunita na ang mga lungsod ng Marikina, Pasig sa Metro Manila at ang bayan ng Cainta sa Rizal ang pinakagrabeng duma­nas ng flashflood kung saan dito rin unang nagka­roon ng leptospirosis outbreak.

Sinabi nito na kung si­numan ang makaramdam ng sintomas sa leptospirosis tulad ng pamamanhid ng katawan, paninilaw ng balat, sakit ng ulo, tiyan, pagtatae, pamumula ng puti ng mata, lagnat at iba pa ay mas mabuting mag­pakonsulta kaagad sa doktor upang hindi na ito lumala pa.

Tiniyak naman ng dok­to­ra na walang babaya- ran ang mga pasyenteng may leptospirosis sa mga pagamutang pag-aari ng gobyerno at tutulong rin ang pamahalaan sa mga mako-confine naman sa mga pribadong ospital.

Ayon kay Dra. Oliveros, kinausap na nila ang mga private hospitals na tang­gapin ang mga pasyen-teng may leptospirosis at ibi-bill nila sa DOH ang ilang bayarin ng mga bik­tima. (Joy Cantos)

Show comments