Dayuhan hihigpitan ng DOLE

MANILA, Philippines - Maghihigpit ang Department of Labor and Employment sa pag-iisyu ng employ­ment permit sa mga dayuhang magtatra­baho sa bansa.

Ayon kay Labor Secretary Marianito D. Ro­que, bibigyan lang ng pagkaka­ taon ang mga dayuhan na magtrabaho sa bansa kung walang local workers na maaring mailagay sa isang ba­kanteng posisyon kung saan ito ay batay sa Department Order No. 97-09 na naghihigpit sa alien employment permits ha­bang ang Article 40 ng labor code ay nag-aatas sa mga dayuhan na kumuha ng employment permit mula sa DOLE. (Mer Layson)

Show comments