150 OFWs nagpapasaklolo

MANILA, Philippines - Nanawagan sa gob­yerno ang 150 pang overseas Filipino workers na nakabase sa Jeddah para sa kanilang agarang pag-uwi sa bansa.

Batay sa ulat ng Kon­sulado, dinumog noong Oktubre 4 ang tang­gapan nito ng na­ sabing bilang ng OFWs na pa­wang mga overstaying kung saan dito na rin nanatili at saka dinala sa Hajj seaport terminal para sa pagsa­saayos ng kanilang de­portasyon.

Una ng napauwi ng Overseas Workers Welfare Administration ang ilang batch ng mga PInoy na naging squatter sa Khandara bridge o overpass ng ilang buwan. Bunsod ng matinding init at gutom ay napilitan ang mga ito na sumugod sa Konsulado para hilingin ang pagpapauwi sa kanila sa Pilipinas.

Ayon kay Consul Leo Tito Ausan, karamihan sa mga nabanggit na Pinoy workers ay tumakas mula sa kanilang malupit na amo dahil sa hindi pag­babayad ng kanilang sa­hod at pang-aabusong pisikal at sexual. (Ellen Fernando)

Show comments