^

Bansa

1.7-mil­yong katao babakunahan

- Doris Borja, Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Umaabot sa 1.7 mil­yong katao ang kinaka­ilangan na mabigyan ng antibiotic na “prophylaxis” na panlaban sa luma­lalang sakit na leptospirosis.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, iineksiyunan ng mga health officers ng 200mg ng prophylaxis ang nasa­bing bilang ng mga taong nalantad sa tubig baha para makaiwas na sa leptospirosis.

Sinabi pa rin ni Duque na 1.7 milyong katao sa Metro Manila at Cala­barzon area ang nalantad sa leptospirosis kung saan 1,027 na ang naita­lang nagtataglay nito mula ng manalasa ang bagyong Ondoy at Pe­peng.

Dahil dito, naglabas ng direktiba ang Department of Health sa mga ospital, kung saan dapat ilipat na sa ibang ospital ang mga pasyente kung naabot na ang itinakdang quota na 200 pasyente kada ospital.

Sa huling talaan ng DoH, 28 katao na ang namamatay sa leptos­pirosis at 800 pa ang nabiktima bunsod ng pagbaha. Pinaniniwalaan din na mahigit 300 katao pa ang posibleng mama­tay sa naturang sakit.

“...tansa namin, ang estimate, ‘wag naman sana mangyari, ay baka umabot sa lagpas 300 ang mamatay, eto ho ay estimate natin kung magpapatuloy na may magkakasakit, hindi nag­pakonsulta, at hindi na­dialysis,” ani Tayag.

Ang leptospirosis ay isang uri ng malubhang sakit na nakukuha mula sa ihi ng daga na karani­wan ng sumasama sa tubig baha.

Magugunita na ang mga lungsod ng Mari­ kina, Pasig sa Metro Manila at ang bayan ng Cainta ang pinakagra­beng dumanas ng flash­flood kung saan dito rin unang nagkaroon ng leptospirosis outbreak.

AYON

CAINTA

CALA

DAHIL

DEPARTMENT OF HEALTH

DUQUE

HEALTH SECRETARY FRANCISCO DUQUE

MAGUGUNITA

METRO MANILA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with