MANILA, Philippines - Nanumpa nitong Huwebes si Marinduque Governor Jose Antonio N. Carrion bilang bagong miyembro ng Lakas-Kampi CMD. Siya ang pinakabagong provincial executive na nanguna sa pagkalas sa mga lokal na opisyal na sumama sa presidential candidacy ni Defense Secretary Gilbert Teodoro.
Si Carrion, isa sa mga pinaka-maimpluwensiyang executives sa League of Provinces of the Philippines, ay pinanumpa ng pangulo ng partido na si Executive Secretary Eduardo Ermita sa Malacañang Guest House.
Siya ang ika-59 na go bernador sa ilalim ng Lakas-Kampi banner, nagpalakas pa sa partido para manalo sa presidential election.
Ayon kay Carrion, isang independent, ang Lakas-Kampi ay nasubukan na ng maraming Pinoy. “We must sustain what the party has built rather than experiment with officials with no achievement record to show,” paliwanag niya.
Nakasama ni Carrion sa mass oath-taking ang walong provincial Board Members at apat na municipal mayors. (Butch Quejada)