RFID ayaw ng Piston

MANILA, Philippines - Hindi dapat ma­ipa­tupad ang Radio Frequency Iden­tification Program sa LTO dahil wala ditong na­ganap na public bidding, walang malawakang dialogue sa pagitan ng transport sector at dagdag gas­tusin lamang ito ng mga motorista.

Ayon kay PISTON Secretary General George San Mateo, ang ipinatawag na dialogue ng LTO noong Set­yembre para sa transport groups ay reaksyon na lamang dahil bago sila maipatawag para makuha ang senti­miento sa RFID ay buo na at plantsado na ang plano para sa RFID.

Inihalimbawa ni San Mateo ang pagbubuo ng Malakanyang ng PACTAF pero wala din itong na­gawa para sawatain ang mga colorum sa bansa bagkus anya ay dumami pa.

Hindi rin ito solus­yon sa non-appearance sa emission testing dahil sa halip na sasakyan ang da­da­lin sa mga PETC para mag­­­­­pa-test, yung RFID na lang ang dadalhin ng mga gusto magpa-non appearance kaya lalung lalala ang prob­lema ng smoke belching

Sinabi ni San Mateo na hahadlangan nila ang anu­mang plano ng LTO na ma­ipatupad ang RFID. Handa umano silang mag­sampa ng TRO sa Korte Suprema para hindi ito maipatupad. (Butch Quejada)

Show comments