RFID ayaw ng Piston
MANILA, Philippines - Hindi dapat maipatupad ang Radio Frequency Identification Program sa LTO dahil wala ditong naganap na public bidding, walang malawakang dialogue sa pagitan ng transport sector at dagdag gastusin lamang ito ng mga motorista.
Ayon kay PISTON Secretary General George San Mateo, ang ipinatawag na dialogue ng LTO noong Setyembre para sa transport groups ay reaksyon na lamang dahil bago sila maipatawag para makuha ang sentimiento sa RFID ay buo na at plantsado na ang plano para sa RFID.
Inihalimbawa ni San Mateo ang pagbubuo ng Malakanyang ng PACTAF pero wala din itong nagawa para sawatain ang mga colorum sa bansa bagkus anya ay dumami pa.
Hindi rin ito solusyon sa non-appearance sa emission testing dahil sa halip na sasakyan ang dadalin sa mga PETC para magpa-test, yung RFID na lang ang dadalhin ng mga gusto magpa-non appearance kaya lalung lalala ang problema ng smoke belching
Sinabi ni San Mateo na hahadlangan nila ang anumang plano ng LTO na maipatupad ang RFID. Handa umano silang magsampa ng TRO sa Korte Suprema para hindi ito maipatupad. (Butch Quejada)
- Latest
- Trending