^

Bansa

Villar inosente sa C5!

-

MANILA, Philippines - Tinapos na ng Senate Committee of the Whole ang pagpiprisinta ng ebi­densiya hinggil sa rekla­mong isinampa laban kay Senador Manny Villar kaugnay sa kontrober­siyal na C-5 road extension project.

Sa halip, si Atty. Ernesto Francisco na abogado ng komite, ang binigyan ng deadline ni Senate President at COW Chairman Juan Ponce Enrile para isumite nito ang kanyang motion to offer evidence sa Oktubre 16.

No show din si Sen. Jamby Madrigal sa huling araw ng pagdinig na siya sanang inaasahang mag­bibigay ng summation tungkol sa C5 investigation.

Nangako naman si Senador Aquilino Pimen­tel Jr., kasama ang Senate opposition na kina­bi­bi­langan nina Senador Alan Peter Cayetano, Pia Ca­yetano, Francis Pa­ngilinan at Joker Arroyo na ko­kontrahin nila ang anu­mang guilty verdict na ipapataw kay Villar.

Ani Pimentel, ipagla­laban nila sa Senado ang pagiging inosente ni Villar lalo pa at wala naman base­han ang akusasyon ni Madrigal at Sen. Panfilo Lacson.

Una ng ipinahayag ng ilang testigo dito na sina Bureau of Internal Revenue Officer Carmelita Bacod, Dept. of Public Works and Highways Special Investigator Car­los Bacolod Jr., at Senate Director General Atty. Yolanda Doblan na wa­lang anomalyang gina­wa si Villar at ang kumpan­ya nito at iisa lang ang insertion o amendment sa C-5 project.

Sinabi naman ni dating Cavite Rep. Gilbert Re­mulla na dapat humi­ngi ng paumanhin sina Lacson at Madrigal kay Villar at isoli ng mga ito ang perang naaksaya ng Senado sa pagsasagawa ng imbesti­gasyon dito matapos pa­tunayan ng mga testigo na walang double insertion, walang road diversion at walang corruption. (Butch Quejada/Malou Escudero)

ANI PIMENTEL

BACOLOD JR.

BUREAU OF INTERNAL REVENUE OFFICER CARMELITA BACOD

BUTCH QUEJADA

CAVITE REP

CHAIRMAN JUAN PONCE ENRILE

ERNESTO FRANCISCO

FRANCIS PA

GILBERT RE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with