^

Bansa

'Killer flood'

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Ibabaon sa demanda ang mga administrator ng San Roque dam matapos na magpakawala ito ng tubig kasabay ng hagupit ng bagyong Pepeng kaya lumubog sa baha ang ma­laking bahagi ng Panga­sinan at Northern Luzon at nasira ang milyong halaga ng mga ari-arian dito.

Nakaumang na rin ang isang matinding paggisa sa mga ito sa Senado. Partikular na ipapatawag ngayon ni Senador Francis “Chiz” Escudero ang operator ng San Roque dam matapos malunod ang 90 porsiyento ng Pangasinan dahil na rin sa pagpa­pakawala ng 5 milyon at 100,000 litro ng tubig kada segundo ng dam sa halip na 4 milyong litro lang kada segundo kaya masisira ang mga dike na magiging sanhi ng pagbaha.

Sinabi pa ni Escudero na dapat malaman ng publiko kung ano ang protocol ng mga dam bago ito magpakawala ng tubig.

”Nagpakawala sila ng walo hanggang sampung bilyong litro. Hindi pwede na ganyan ganyan na la­mang ang ginagawa ng mga nag-ooperate ng dam sa ating paligid at tayo ang maaapektuhan at mapipin­sala” ani pa ni Escudero.

Nilinaw pa ni Escu­ dero na kahit hindi ma­kapirma sa reklamo ang mga taong sinalanta ng pagbaha sa Pangasinan ay makikina­bang din ang mga ito sa oras na ma­nalo ang kaso. 

Samantala, tinatayang aabot sa 700 katao na ang nasawi, P17.669 bilyon ang pinsala sa impras­traktura at agrikultura habang halos 7 milyong katao ang naapektuhan sa magkasunod na bagyong Ondoy at Pepeng. (May ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

CHIZ

ESCU

JOY CANTOS

NORTHERN LUZON

PANGASINAN

PEPENG

SAN ROQUE

SENADOR FRANCIS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with