^

Bansa

Class suit vs dam operators isasampa

-

MANILA, Philippines - Bukod sa pagpapatawag sa lahat ng dam operators sa sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa gagawing imbes­tigasyon ng Senado bukas, balak din ni Senator Francis ‘Chiz’ Es­cudero na magsam­pa ng class suit upang pa­nagutin ang mga may-ari ng dam sa naganap na pag­baha partikular sa Northern Lu­zon.         

Kabilang sa mga ipapata­wag na dam operators ang nasa San Roque, Binga, Pan­taba­ngan at Angat.        

Partikular aniyang ipata­tawag ang operator ng San Ro­que dam na ayon sa mga local na opisyal ay nagpa­kawala ng humigit kumulang na 5,100 cubic meters/second ng tubig.    

“Ang ibig sabihin nito 5,100,000 litro ang pinaka­walan ng San Roque kada segundo, 5.1 million liters of water per second, humigit kumulang kada minuto ito ay 300 million liters, humigit kumulang kada oras bilyong litro ito, nagpakawala sila ng walo hanggang 10 bil­yong litro,” sabi ni Escudero. Hindi aniya dapat palampasin ang ginawa ng mga dam operators lalo pa’t may mga ari-arian at buhay na nawala sa nasabing pangyayari. (Malou Escudero)

vuukle comment

ANGAT

BINGA

BUKOD

MALOU ESCUDERO

NORTHERN LU

SAN RO

SAN ROQUE

SENATOR FRANCIS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with