^

Bansa

Malacañang sa Norte at Mansion House sa Baguio, ginawa na ring evacuation center

-

MANILA, Philippines - Matapos manalasa ang bagyong Pepeng sa Northern part ng bansa, binuksan na rin ni Pangulong Gloria Arroyo para gawing evacuation at monitoring centers ng Regional Disaster Coordinating Council (RDCC) ng Region 1 ang Mansion House sa Baguio City at ang Malacañang sa Norte na nasa Paoay, Ilocos Norte.

Sinabi ng Pangulo na ang Mansion House sa summer capital na nagsisil­bing tahanan ng mga na­giging pangulo ay agad na bubuksan para sa mga empleyado ng gobyerno na nawalan ng tahanan at mga nagsilikas dahil sa bagyong Pepeng.

Ang “Malacañang ti Amianan” naman sa Ilocos ay gagawing pansaman­talang opisina ng RDCC Region 1 kung saan ang jurisdiction ay pinalawak hanggang probinsiya ng Abra.

Ang Vice President cottage, isang property na pag-aari ng Development Bank of the Philippines (DBP) sa Baguio City, ay ginawa ng Pangulo bilang tanggapan ng Baguio City Disaster Coordinating Council (DCC).

Inobliga rin ng Pangulo ang mga kadete ng Philippine Military Academy (PMA) na tumulong sa mga empleyado ng gobyerno na pansamantalang tutuloy sa Mansion House.

Sinigurado ng Pangulo sa mga naapektuhan resi­dente sa Northern at Central Luzon na ginagawa ng gob­ yerno ang lahat upang ma­pa­gaan ang nararana­sang hirap ng mga evacuees.

Matatandaan na binuk­ san din ng Pangulo ang Malacanang Palace para sa mga evacuees na ang ilan ay nagmula pa sa Marikina matapos mana­lasa ang bagyong Ondoy. (Malou Escudero)

ANG VICE PRESIDENT

BAGUIO CITY

BAGUIO CITY DISASTER COORDINATING COUNCIL

CENTRAL LUZON

DEVELOPMENT BANK OF THE PHILIPPINES

ILOCOS NORTE

MANSION HOUSE

PANGULO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with