47 OFWs na tumira sa tulay sa Saudi, nakauwi na

MANILA, Philippines - Dumating ang may 47 overseas Filipino workers na tumakas sa kani-ka­nilang amo at nagkum­pul-kumpol sa ilalim ng tulay sa Khandara sa Saudi Arabia.

Ayon sa kay Overseas Workers Welfare Administration Administrator Car­melita S. Dim­zon, ang OWWA ang nag­bayad sa mga pama­sahe o plane tickets at immigration penalties ng mga distressed OFWs pauwi sa Maynila.

Ang 47 OFWS ang pinakahuling batch ng mga Pinoy na ire-repatriate mula Saudi bilang bahagi sa may 300 bilang ng mga manggagawa na ipinasok sa Hajj deportation center sa Jeddah.

Ang pagpapauwi sa mga stranded OFWs ay tugon ni Labor Sec. Ma­rianito Roque sa kautu­san ni Pangulong Gloria Arroyo na sagipin ang mga nagigi­pit sa OFWs sa Saudi.

Ang ilang na-repatriate na OFWS ay pansa­man­talang nasa OWWA halfway house bago sila tuluyang tumulak pauwi sa kani-kanilang probin­sya habang ang kara­mihan ay nakapiling na ang kanilang mahal sa buhay. (Ellen Fernando)

Show comments