MANILA, Philippines - Nakapagtalaga na ng bagong chairman ang National Movement for Free Elections (Namfrel) matapos na magbitiw kamakailan ang dating pi-nuno nito.
Si Jose Cuisia, Jr., isang prominenteng negosyante na miyembro ng Opus Dei at dating vice-chairman ng Namfrel, ang nahalal bilang bagong Namfrel chairman kapalit ni dating ambassador Henrietta de Villa.
Nagbitiw noong na-karaang buwan bilang Namfrel chairperson si de Villa upang higit umanong mapagtuunan ng pansin ang kanyang trabaho bilang pinuno ng church-based poll watchdog na Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV).
Partikular umano na nais na tutukan ni de Villa ang voters’ education lalo na ngayong papalapit na ang 2010 polls.
Bukod sa pagiging chairperson ng Namfrel, si Cuisia ay kasalukuyan ding vice chairman ng Philippine American Life and General Insurance Company, at naging gobernador ng Bangko Sentral ng Pilipinas at ad-ministrator ng SSS.
Ang Namfrel ay isang poll watchdog na accre-dited ng Comelec upang magsagawa ng quick count sa mga boto sa panahon ng eleksyon. (Mer Layson)