^

Bansa

Namfrel may bagong chairman

-

MANILA, Philippines - Nakapagtalaga na ng bagong chairman ang National Movement for Free Elections (Namfrel) ma­tapos na magbitiw ka­­makailan ang dating pi-nu­no nito.

Si Jose Cuisia, Jr.,   isang prominenteng ne­gos­yante na miyembro ng Opus Dei at dating  vice-chairman ng Nam­frel, ang nahalal bilang ba­gong Namfrel chairman kapalit ni dating ambassador Henrietta de Villa.

Nagbitiw noong na-ka­raang buwan bilang Nam­frel chairperson si de Villa upang higit uma­nong mapagtuunan ng pansin ang kanyang tra­baho bilang pinuno ng church-based poll watchdog na Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV).

Partikular umano na nais na tutukan ni de Villa ang voters’ education lalo na ngayong papalapit    na ang 2010 polls.

Bukod sa pagiging chairperson ng Namfrel, si Cuisia ay kasalukuyan ding vice chairman ng Philippine American Life and General Insurance Company, at naging go­bernador ng Bangko Sen­tral ng Pilipinas at ad-ministrator ng SSS.

Ang Namfrel ay isang poll watchdog na accre-dited ng Comelec upang magsagawa ng quick count sa mga boto sa panahon ng eleksyon. (Mer Layson)

ANG NAMFREL

BANGKO SEN

FREE ELECTIONS

MER LAYSON

NAMFREL

NATIONAL MOVEMENT

OPUS DEI

PARISH PASTORAL COUNCIL

PHILIPPINE AMERICAN LIFE AND GENERAL INSURANCE COMPANY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with