Sec. Neri nagpasaklolo sa CA
MANILA, Philippines - Nagpasaklolo sa Court of Appeals si Social Security System (SSS) Chairman Ro mulo Neri para mapigilan ang ipinataw na suspensiyon sa kanya ng Ombudsman.
Sa Petition for Certiorari, nais din ni Neri na magpalabas ang Appellate Court ng temporary restraining order (TRO) para agad na maharang ang 6 na buwang suspensiyon sa kanya.
May grave abuse of discretion umano sa panig ng Ombudsman nang siya ay patawan ng na sabing suspensiyon kaugnay sa kontrober- siyal na ZTE-NBN deal dahil sa naging partisipasyon nito sa kaso.
Nabatid na una nang sinampahan ng Ombudsman si dating Comelec chairman Benjamin Abalos ng kasong graft sa Sandiganbayan matapos umano itong magpadrino sa proyekto. (Ludy Ber mudo/Gemma Garcia)
- Latest
- Trending