MANILA, Philippines - Pinagtibay ng Korte Suprema ang desisyon ng Office of the Ombudsman na ibasura ang plunder case laban kay dating Pangulong Joseph Estrada at El Shaddai leader Mike Velarde kaugnay sa pagbili ng administrasyong Estrada ng P1.22 bilyong lupain noong 1999 na pag-aari ng kumpanya ni Velarde na AMVEL Land Corp. para sa pagtatayo ng Tollway Project C-5 Link Expressway.
Base sa 68 na pahinang resolusyon ng Su- preme Court (SC) en banc, binasura lang ng korte ang petisyon ni Atty. Ernesto Francisco laban sa dating Pangulo dahil wala umanong dahilan upang muling pag-aralan ng korte ang mga ebidensya sa kaso.
Sinabi ng SC na karaniwang hindi ito nanghihimasok sa mga desisyon ng Ombudsman bilang respeto sa ilalim ng konstitusyon.
Sa reklamo ni Francisco, overpriced ng mahigit walong daang milyong piso ang lupain ng AMVEL na ikinalugi ng gobyerno.
Giit naman ng Ombudsman, na walang ebiden-siya na magpapatunay na nakinabang sina Estra- da at Velarde sa naturang transaksyon. (Gemma Amargo-Garcia)