^

Bansa

Dahil sa state of calamity, Buwis sa text ilulusot

-

MANILA, Philippines - Gagamitin umano ng administrasyon at mga kaalyadong kongresista ang tumamang kalami­dad para maaprubahan ang nakabinbing panu­kalang buwisan ang text messages sa Kongreso.

Nitong nakaraang Mar­tes, sinabi ng House com­mittee on ways and means na nirerekon­si­dera nila ngayon ang pag­pasa ng bagong uri ng buwis sa text kung saan pinapa­boran ang fixed rate na P.80 singil kada text, 10% o 8 sentimo nito ay mapu­punta sa buwis o “ad v­a­lorem tax”.

Pinalitan ng bagong panukala ang naunang bill na nagpapataw ng P.05 na buwis sa text na isinantabi muna ng mga mambabatas dahil sa kabi-kabilang batikos ng iba’t ibang grupo.

Mapupunta umano ang makokolektang bu-wis sa pagpondo sa P10 bil­yong panukalang “sup­ple­mental budget” para sa mga biktma ng bag­yong Ondoy at reha­bili­tasyon ng iba pang mga apektadong lugar.

Pinagsabihan ni Ma­kati Mayor Jejomary Bi­nay ang mga mambaba­tas na huwag gamitin ang mga natural na kalami­dad para bigyang hustis­ya ang pagpapasa ng panukalang batas na hi-git na magpapahirap sa ta­um­bayan.

Kahit anong formula umano ang likhain ng mga mambabatas, mag­re­resulta pa rin ito ng mas mataas na singil sa text dahil ipapasa ng mga “service provider” ang buwis sa kanilang mil-yon-milyong subscri-bers.

Dahil sa pagtutulak ng panukala, maaari uma­­nong maniwala ang ta­umbayan na wala na ta­lagang pera ang pama­halaan na laan para sa kalamidad dahil maging mga padalang donasyon buhat sa ibayong dagat ay pinapatawan pa rin   ng buwis sa ilalim umano ng “Tariffs and Customs Code”. (Danilo Garcia)

vuukle comment

DAHIL

DANILO GARCIA

GAGAMITIN

KAHIT

KONGRESO

MAPUPUNTA

MAYOR JEJOMARY BI

SHY

TARIFFS AND CUSTOMS CODE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with