MANILA, Philippines - Lumobo na sa 20 katao ang patay sa pananalasa ng bagyong Pepeng sa Northern Luzon.
Sa tala ng National Disaster Coordinating Council (NDCC) kaha-pon, 10 sa mga namatay ay mula sa lalawigan ng Benguet; tig-dalawa sa Ifugao at Ca marines Sur at tig-iisa naman sa Nue-va Ecija, Pangasinan, Ilocos Sur, Ilocos Norte, La Union at Quezon.
Nasa 13 katao naman ang nasugatan habang dalawa pa ang nawawala.
Samantala nasa 9,000 pamilya o katumbas ng mahigit 38,000 katao ang nananatili sa 192 evacuation centers.
Patuloy pa rin ang relief operations ng mga awtoridad sa mga apektado ng bagyo.
Samantala nakataas pa rin ang signal number 1 sa Batanes Group of Islands, Cagayan, Babuyan Islands, Calayan Islands, Isabela, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Apayao, Abra, Kalinga, Ifugao, Mountain Province, Benguet, La Union, Pangasinan, Nueva Viscaya, Quirino, Aurora, Nueva Ecija, Tarlac, Pampanga, Zambales, Bataan at Bulacan.
Nanatili pa rin si Pepeng sa bisinidad ng Cagayan habang ang low pressure area (LPA) na nasa silangang bahagi ng Luzon ay huling namataan sa layong 1,970 km na ayon sa weather bureau ay wala pang epekto sa bansa sa ka salukuyan. (Joy Cantos/Angie dela Cruz)