^

Bansa

Patay kay Pepeng, 20 na

-

MANILA, Philippines - Lumobo na sa 20 ka­tao ang patay sa panana­lasa ng bagyong Pepeng sa Northern Luzon.

Sa tala ng National Disaster Coordinating Council (NDCC) kaha­-pon, 10 sa mga namatay ay mula sa lalawigan ng Benguet; tig-dalawa sa Ifugao at Ca­ marines Sur   at tig-iisa na­man sa Nue-va Ecija, Pa­nga­sinan, Ilo­cos Sur, Ilocos Norte, La Union at Quezon.

Nasa 13 katao naman ang nasugatan habang da­lawa pa ang nawa­wala.

Samantala nasa 9,000 pamilya o katumbas ng ma­higit 38,000 katao ang na­nanatili sa 192 evacuation centers.

Patuloy pa rin ang relief operations ng mga awto­ridad sa mga apek­tado ng bagyo.  

Samantala nakataas pa rin ang signal number 1 sa Batanes Group of Is­lands, Cagayan, Babu­yan Islands, Calayan Islands, Isabela, Ilocos Nor­te, Ilo­cos Sur, Apayao, Abra, Ka­linga, Ifugao, Mountain Province, Ben­guet, La Union, Pangasi­nan, Nue­va Viscaya, Qui­­rino, Aurora, Nueva Ecija, Tarlac, Pampanga, Zam­bales, Bataan at Bulacan.

Nanatili pa rin si Pe­peng sa bisinidad ng Ca­gayan habang ang low pressure area (LPA) na nasa silangang bahagi ng Lu­zon ay huling na­mataan sa layong 1,970 km na ayon sa weather bureau ay wala pang epek­to sa bansa sa ka­ saluku­yan. (Joy Cantos/Angie dela Cruz) 

BATANES GROUP

CALAYAN ISLANDS

DISASTER COORDINATING COUNCIL

IFUGAO

ILO

ILOCOS NOR

ILOCOS NORTE

LA UNION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with