MANILA, Philippines - Pinabubusisi ng isang kongresista ang tang- gapan ng Department of Public Works and Highway (DPWH) at Metro Manila Development Authority (MMDA), para magbigay linaw hinggil sa P1 billion flood control warning system pro ject na dapat ginamit noong hagupitin ng bagyong Ondoy ang Metro Manila at karatig probinsiya na nag-iwan ng daan-daan namatay na tao at billion halaga ng mga si nirang ari-arian.
Sinabi ni Nueva Vizcaya Rep. Carlos Padilla, kailangan magpaliwa-nag ang DPWH at MMDA kung bakit hindi ito ginamit o naging operational noong nagkaroon ng mga bagyo sa bansa.
Napag-alaman, kaya hindi raw ginagamit para sa monitoring ng mga bag yo ang flood control warning system dahil saksakan daw ng mahal ang maintenance nito at hindi kayang gastusan umano ng gobyerno.
Nagtataka si Padilla, kung bakit binili ito gayun dapat aniya ay nagkaroon muna ng project study bago ito binayaran.
Ang nasabing flood control warning system ay nakatiwangwang lamang sa isang lugar at hindi ginagamit noon pang isang taon.
Ayon sa political observers sa Kamara, mistulang Bataan nuclear plant ang proyekto ng DPWH at MMDA dahil matapos gastusan ay hin di naman ito ginamit.
“Sinayang lang nila ang pera ng taong ba- yan na siyang nagbabayad nito sa mga inutang ng pamahalaan,” anang mga political observers. (Butch Quejada)