Dacer-Corbito dedesisyunan na

MANILA, Philippines - Maglalabas na ng de­sisyon ang Department of Justice sa Dacer-Cor­ bito double murder case kahit walang isinusu­miteng de­­pensa si Se­nador Pan­filo Lacson.

Ayon kay Senior State Prosecutor Peter Ong, hin­­di na nila maari pang pag­ bigyan ang kahilingan ng abugado ni Lacson na pa­lawigin pa ang pana­hon para sa pagsusumite ng counter-affidavit sa isi­na­sagawang preliminary investigation sa kaso dahil mahigit sa 60-araw nang nagtagal ang imbestigas­yon.

“We stood pat on our earlier ruling that with or without the counter affidavit of Senator Lacson, we will submitted this case for decision,” ani Ong sa pag­dinig kahapon.

Nilinaw din ni Ong na lahat ng affidavit at ebi­densiya ng complainant, testimonya ng limang tes­tigong sina dating police Supts. Cesar Mancao II, Glenn Dumlao; Alex Di­loy, Jimmy Lopez at isang nag­ngangalang “Cabu­ quin” ay nabigyan ng kopya ang counsels ni Lacson kaya walang da­hilan para hindi matapos sa ibinigay ni­lang palu-    git at binalaan sa huling        PI noong Set. 2009 na isasara na ang imbes­tigasyon kung ma­ bibi­gong magsumite ng kontra-    sa­ laysay.

Nilinaw ni Ong na sa ilalim ng Rule 112 ng Rules on Criminal Procedure ay may karapatan ang panel na tapusin ang isang preliminary investigation kahit na walang isinumiteng counter affidavit ang res­ pondent.

Dahil dito kaya nag-de­sisyon ito na submit- ted for resolution na ang kaso at anumang oras ay maari nang magpalabas ang DOJ-panel ng de­sisyon. 

Show comments