^

Bansa

300 preso nagdonasyon sa Ondoy victims

-

MANILA, Philippines - Nakipagdamayan na rin ang may 300 preso ng New Bilibid Prison sa mga biktima ng bagyong On­doy.

Nabatid kahapon kay NBP Chaplain Fr. Bobby Ola­guer na namigay ng mga damit at pagkain ang mga preso sa mga resi­dente ng Barangay Pob­lacion, Muntinlupa City na sinalanta rin ng bagyo.

At sa halip kainin, idi­nonasyon din ng mga bi­langgo ang rasyon nilang almusal na tinapay na gawa ng mga estudyante ng baking school ng NBP.

Ipinamahagi din ng mga preso ang kanilang mga kumot at kulambo upang magsilbing protek­siyon ng mga apektadong residente.

Ayon naman kay NBP Superintendent Armando Miranda, mahigit 20,000 lata ng sardinas na nag­mula sa pondong naipon mula sa hindi nagalaw na rasyon sanang pagkain ng mga bilanggo ang kanilang ipinamahagi sa mga biktima ng delubyo.

Isinagawa ng mga preso ang fasting noong Setyembre 28 na naging ideya at pinangunahan ng “Council of Elders” sa loob ng pambansang ku­lungan at inayunan na­man ng lahat ng mga bilanggo. (Doris Franche at Danilo Garcia)

BARANGAY POB

BOBBY OLA

CHAPLAIN FR

COUNCIL OF ELDERS

DANILO GARCIA

DORIS FRANCHE

MUNTINLUPA CITY

NEW BILIBID PRISON

SHY

SUPERINTENDENT ARMANDO MIRANDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with