Pekeng PASG agent tugis
MANILA, Philippines - Inihahanda ng Presidential Anti-Smuggling Group ang pagsasampa ng kaso laban sa dalawang pekeng PASG operatives na nangotong kamakailan sa Marikina City.
Ayon kay PASG chief Undersecretary Antonio Villar Jr., ang mga suspects ay sina Henry Mariano ng Parang, Marikina at Ronaldo Rojales ng Parañaque City.
Naaresto si Mariano ng pulis sa Marikina habang si Rojales naman ay pinaghahanap pa.
Nagpakilalang PASG agents ang mga suspect kay Rommel Grageda na may-ari ng Restoserve Marketing Corp. sa West Drive, Marikina at may ipinakitang pekeng mission order.
Inalam ng negosyante kung totoong ahente ng PASG ang dalawa na nagpupumilit buksan ang kanyang bodega.
Kaagad naman tumawag si PASG Administration and Finance Director and Chief of Staff Jeffrey Patawaran sa pulisya matapos malamang peke ang mga ito hanggang sa maaresto si Mariano pero nakatakas si Rojales. (Rudy Andal)
- Latest
- Trending