MANILA, Philippines - Patuloy ang lakas ng bagyong Pepeng habang ito ay nananatiling nasa karagatan ng Luzon.
Kahapon ng alas-11 ng umaga, namataan ng PAGASA si Pepeng sa layong 110 kilometro hilaga hilagang kanluran ng Laoag City taglay ang pinakamalakas na hanging 105 km malapit sa gitna at may pagbugso hanggang 135 km bawat oras.
Bunsod nito, nananatiling nakataas ang babala ng bagyo bilang 3 sa Northern Cagayan, Babuyan Island,Calayan Island, Apa yao, Ilocos Norte.
Signal no. 2 naman sa nalalabing bahagi ng Cagayan, Ilocos Sur, Abra, Batanes Group of Islands, Kalinga at Signal no. 1 sa La Union, Pangasinan, Mt. Province, Benguet, Ifugao at Isabela.
Pinapayuhan ng Pagasa ang mga residenteng nakatira sa nasabing mga lugar na mag-ingat at lumikas agad sa mas ligtas na lugar kung nakatira sa mababang lugar, malapit sa mountain slopes at tabing ilog. Ang Metro Manila naman ay maaliwalas ang panahon. (Angie dela Cruz)