^

Bansa

Pepeng nasa Luzon pa rin

-

MANILA, Philippines - Patuloy ang lakas ng bagyong Pepeng habang ito ay nananatiling nasa karagatan ng Luzon.

Kahapon ng alas-11 ng umaga, namataan ng PAGASA si Pepeng sa layong 110 kilometro hilaga hila­gang kanluran ng Laoag City taglay ang pinakamalakas na hanging 105 km malapit sa gitna at may pagbugso hanggang 135 km bawat oras.

Bunsod nito, nanana­ti­ling nakataas ang ba­bala ng bagyo bilang 3 sa Northern Cagayan, Ba­buyan Island,Calayan Island, Apa­ yao, Ilocos Nor­te.

Signal no. 2 naman sa nalalabing bahagi ng Caga­yan, Ilocos Sur, Abra, Batanes Group of Islands, Kalinga at Signal no. 1 sa La Union, Panga­sinan, Mt. Province, Ben­guet, Ifugao at Isabela.

Pinapayuhan ng Pag­asa ang mga residenteng nakatira sa nasabing mga lugar na mag-ingat at lu­mikas agad sa mas ligtas na lugar kung naka­tira sa mababang lugar, malapit sa mountain slopes at tabing ilog. Ang Metro Manila naman ay maali­walas ang panahon. (Angie dela Cruz)

ANG METRO MANILA

BATANES GROUP OF ISLANDS

CALAYAN ISLAND

ILOCOS NOR

ILOCOS SUR

LA UNION

LAOAG CITY

MT. PROVINCE

NORTHERN CAGAYAN

PEPENG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with