Larranaga ibiniyahe na sa Spain

MANILA, Philippines - Nakaalis na ng bansa ang convicted rapist na si Francisco Juan “Paco” Larranaga matapos na aprubahan ng Department of Justice na ilipat sa penal facility sa Spain at doon ipagpatuloy ang natitirang life sentence sa salang panggagahasa at pagpatay sa Chiong sisters sa Cebu noong 1977.

Isinalin ng mga ahen­te ng National Bureau of In­ves­tigation si Larranaga para isailalim sa panga­ngalaga sa dalawang Spanish agents na su­mundo dito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Si Larranaga, ay ang kahuli-hulinang pasahero na isinakay sa KLM Royal Dutch Airline flight KL-804 sa may gate 12 ng pali­paran.

Napag-alaman na ang sinasabing convicted rapist-murderer ay naka-upo sa pagitan ng dalawang Spanish escort sa may huling upuan ng economy class ng eroplano

Si Larranaga, 32, ka­mag-anak ng mga Osme­ña ng Cebu ay isang Spa­nish citizen ay nagsilbi ng 14 taon, siyam na buwan at 20 araw sa kulungan sa Muntinlupa National Penitentiary.

Matatandaang si Lar­ranaga kasama ang pito pa ang sinasabing kumid­nap sa magkapatid na Marijoy at Jacqueline Chiong noong July 16, 1977 malapit sa isang mall sa Cebu City, gina­hasa at tinapon ang isa sa mag­ kapatid sa bangin habang ang isa ay hindi na nakita.

Siniguro naman ni Justice Secretary Agnes Deva­ nadera na nakapag­bayad na ng P750,000 bilang civil damage si Larranaga sa pa­milya ng kanyang mga bik­tima.

Nabatid na ang pagli­pat kay Larranaga sa Spa­nish prison ay sa ila­lim ng “RP-Spain Transfer of Sentenced Persons Agreement”.

Sa ilalim ng kasun­duan ay ie-extradite ng Pilipinas si Larranaga sa Espanya kapalit ng dala­wang pre­song Pinoy na may kasong paglabag sa droga na na­kabilanggo sa mga kulu­ngan sa Es­panya subalit tumanggi itong tukuyin ang panga­lan ng dalawa base na rin sa kahilingan ng kanilang pamilya. (Butch Quejada/Gemma Garcia/Ludy Bermudo)

Show comments