^

Bansa

Killer lindol naman

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Bagaman at hindi naman nais manakot, sinabi kahapon ni Senator Francis “Chiz” Escudero na dapat paghandaan ang isang malakas na lindol na posibleng tumama sa bansa matapos ang naranasang lindol sa South Sumatra, Indonesia na ikinamatay ng 1,100 katao kamakailan.        

Ayon kay Escudero, dapat muling rebisahin ng pamahalaan ang “earthquake preparedness plans” nito sa Metro Manila kung saan matatagpuan ang Valley fault na dating tinatawag na Marikina fault line.         

Sinabi ni Escudero na, kahit abala ang lahat sa pagbangon dahil sa bagyong Ondoy, hindi naman dapat isantabi ang paghahanda para sa posibleng malaking lindol na puwedeng tumama sa bansa.     

Base sa isang “worst-case scenario” aabot sa 35,000 residente ng Metro Manila ang posibleng mamatay at mahigit sa tatlong milyon ang mawawalan ng tahanan kung tatama ang isang malakas na lindol sa bansa.            

Base sa pag-aaral na isinagawa ng Japanese government noong 2002, isang malaking trahedya ang puwedeng mangyari kung magkakaroon ng 7 hanggang 9 magnitude quake sa West Valley fault line.                

Idinagdag ni Escudero na kabilang sa Metropolitan Manila Earthquake Impact Reduction Study ang 100 actions plans na magpa­ pababa ng impact sa mga lugar na inaasahang maaapektuhan ng lindol.        

Ang West Valley ay isa sa tatlong fault lines sa Metro Manila kung saan ang dalawa ay nasa Manila Bay at Manila Trench fault lines.              

Ang pinakahuling malakas na lindol na tumama sa Metro Ma­nila at central at northern Luzon ay naganap noong 1990 kung saan nasa 1,700 katao ang nasawi.

ANG WEST VALLEY

MANILA BAY

MANILA TRENCH

METRO MA

METRO MANILA

METROPOLITAN MANILA EARTHQUAKE IMPACT REDUCTION STUDY

SENATOR FRANCIS

SOUTH SUMATRA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with