^

Bansa

DENR at LLDA nagsalpukan dahil sa baha

-

MANILA, Philippines - Binuweltahan kahapon ni Laguna Lake Development Authority (LLDA) Ge­neral Manager Edgar Man­da si Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Lito Atienza na unahin muna ang pagsugpo sa mga ili­gal na pagtotroso at pag­mimina na mas malaki uma­no ang kontribusyon sa mga pagbabaha sa mas mala­king bahagi ng Pilipinas.

Ito’y makaraang ban­taan ni Atienza si Manda na kakasuhan ng “dereliction of duty” dahil sa pagkabigo na matanggal ang mga iligal na fishpen sa 90,000 ektaryang Laguna de Bay na siya umanong sanhi ng matinding pagbabaha sa mga lungsod na karatig ng lawa nitong nakaraang bagyong Ondoy.

Sinabi ni Manda na ka­rapatan at nasa otoridad ni Atienza ang pagsasam­pa ng kaso sa kanya ngu-nit dapat rin umanong tig­nan nito ang iba pang mga problema sa DENR na hindi nito nasosolusyunan tulad ng talamak na illegal mining at logging na sanhi ng pagkakalbo ng mga bundok.

Sinabi ni Atienza na inu­puan at tinulugan lamang ni Manda ang kanyang direktiba kaya’t huli na para maiwasan ang nangya-ring delubyong hatid ng bagyong Ondoy.

Ikinatwiran naman ni Manda na kakulangan sa pondo buhat sa DENR ang dahilan kaya hindi niya magawang mapaalis ang mga fishpen sa lawa ng Laguna at kawalang-koo­pe­rasyon ng mga lokal na pamahalaan.

Anya, hiniling na niya sa DENR na magtanim ng mga kawayan sa mga pam­pang ng Laguna de Bay upang makatulong sa pagsipsip ng tubig ngunit hindi naman ito naaksyu­nan ni Atienza.

Kabilang sa mga bayan at lungsod na naapektu­han ng matinding baha sa paligid ng Laguna de Bay ang Taguig, Paranaque, Pateros, Muntinlupa, Cain­ta, Taytay, Angono, sa lala­wigan ng Rizal at parte ng lalawigan ng Cavite. (Da­nilo Garcia)

vuukle comment

ATIENZA

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

LAGUNA LAKE DEVELOPMENT AUTHORITY

MANAGER EDGAR MAN

MANDA

ONDOY

SECRETARY LITO ATIENZA

SHY

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with