MANILA, Philippines - Inatasan ni Pangulong Gloria Arroyo ang mga local government officials na linisin ang mga tambak na basura sa kani-kanilang nasasakupang lugar na iniwan ng baha dahil sa bagyong Ondoy.
Sinabi ng Pangulo sa isi nagawang National Disaster Coordinating Council (NDCC) na kinakailangan ng malinis ang mga national highways maging ang mga secondary roads dahil nagiging sanhi na rin ito ng pagsisikip ng trapiko, lalo na noong kasagsagan ng bagyong Ondoy.
“We really have to clean the garbage on the secondary roads,” sabi ng Pangulo kay Metro Manila Development Authority Chairman Bayani Fernando.
Dapat din aniyang hilingin ng mga lokal na opisyal sa mga pribadong kontraktors ng mga ito na magdagdag ng truck na naghahakot ng basura at dapat din aniyang magsagawa ng “voluntary works” ang mga pribadong kompanya na maghakot ng kanilang dumi.
Matapos ang delubyong hatid ni Ondoy ay nagkalat ang bundok ng basura sa mga lansangan, lalo na sa Marikina City. (Malou Escudero)