MANILA, Philippines - Isang Bicol caravan, sa pangunguna ng “Ako Bicol” Foundation, kasama ang mga LGUs, iba’t ibang organisasyon at pribadong sektor, ang aalis sa Legazpi City ngayon at darating sa Manila sa Lunes upang magdala ng mga relief goods sa mga nasalanta ng bagyong `Ondoy’.
Ang caravan ay sasamahan ng 30-35 behikulo na magdadala ng iba’t ibang relief goods, walis tingting, firetrucks, dumptrucks, dredging machines at bobcat.Sinabi ni “Ako Bicol” chair at founder Zaldy Co na ito ang maliit na paraan ng mga Bicolanos upang suklian ang kabutihan ng mga Manilenos nang ang Legazpi City ay tamaan ng mga kalamidad noong mga nagdaang taon.