MANILA, Philippines - Dahilan sa naging epekto ng bagyong Ondoy, kinansela na rin ng Jesus Is Lord Movement (JIL) ang pagdiriwang ng kanilang 31st anniversary celebration nito bukas, October 4.
Ayon kay JIL executiver director Dory Villanueva, sa halip na magdiwang ng anibersaryo ay mamimigay na lamang sila ng donasyon sa mga biktima ng bagyo kasabay ng simpleng Sunday services at panalangin sa kanilang mga simbahan.
Kasabay nito nanawagan din si JIL founder at Presidential aspirant Bro. Eddie Villanueva sa kanilang mga miyembro na makiisa sa panalangin para sa mga naging biktima ng bagyong Ondoy.
Personal umanong nakita ni Villanueva ang sitwasyon ng mga biktima ng bagyo nang mamigay ito ng mga relief goods sa Marikina, Pasig, Rizal, Quezon City, Valenzuela at Bulacan. (Gemma Garcia/Mer Layson)