^

Bansa

100,000 residente sa Laguna Lake pinalilikas na

-

MANILA, Philippines - Pinalilikas na ang may 100,000 residente na nani­nirahan malapit sa Lagu­na Lake kaugnay ng naka­ambang malakas na ha­gupit at mga pag-ulan ni supertyphoon Pepeng.

Sa press briefing ka­ha­pon sa National Disaster Coordinating Council (NDCC) sa Camp Agui­naldo, sinabi ni Laguna Lake Development Authority (LLDA) General Manager Ed Manda, ipa­tutupad ang ‘force evacuation‘ sa lugar kung ta­tangging lumikas ang mga residente sa palibot ng Laguna Lake.

Ayon kay Manda, sa kasalukuyan ay nasa 14.5 metro na ang level o taas ng tubig sa Lawa na ina­asahang magdudulot ng matitindi pang mga pag­baha sa paghagupit ni Pepeng.

Sinabi ni Manda na tumaas ang tubig sa Laguna Lake ng 1.2 metro dahil sa dalang ulan ng bagyong Ondoy.

Aniya, ang average na taas ng tubig sa Laguna Lake ay nasa .28 metro lamang kada buwan pero sobra-sobra na ito sa hagupit ni Ondoy.

Sinabi ni Manda na nahihirapang makarating ang tubig sa Laguna Lake sa Laguna de Bay dahilan sa mga baradong daanan nito.

Ayon kay Manda ang pinakamataas na level ng tubig sa lake ay nasa 14.5 metro na naitala noong 1919. (Joy Cantos)

AYON

CAMP AGUI

GENERAL MANAGER ED MANDA

JOY CANTOS

LAGUNA LAKE

LAGUNA LAKE DEVELOPMENT AUTHORITY

LAGUNA LAKE.

LAKE

MANDA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with