^

Bansa

State of calamity!

- Joy Cantos, Rudy Andal -

MANILA, Philippines - Idineklara kahapon ni Pangulong Arroyo sa state of calamity ang buong bansa bilang pag­hahanda sa posibleng magiging dulot ng super typhoon Pepeng.

Inatasan na rin ng Pa­ngulo sa ginanap na emer­gency Cabinet meeting ng National Disaster Coordinating Council (NDCC) ang lahat ng local disaster coordinating council upang ilikas agad ang mga resi­denteng nasa mababang lugar at tabing dagat o ilog upang maiwasan ang anumang panganib.

Ginawa ng Pangulo ang hakbang na ito mata­pos iulat ng PAGASA na may taglay na lakas ng hangin na 195 KPH at bugso ng hangin na 230 KPH ang super bagyo na patungong Northern Lu­zon.

Inaasahan na ang land­fall ng super typhoon Pe­ peng ay sa Aurora-Isabela area ngayong tanghali kaya pinag-iingat ng PAGASA ang publiko dahil sa idudulot nito sanhi ng malakas na hangin at pag-ulan nito.

Iginiit pa ng Pangulo, dapat ngayon pa lamang ay sinisimulan na ng LGUs at NDCC ang paglilikas ng mga residente na nasa danger zone.

Ayon naman kay Press Secretary Cerge Remon­de, idineklara ang state of calamity para magamit agad ng mga LGUs ang kanilang 5 percent na calamity fund at magpatupad ng price control para hindi maka­pagsamantala ang mga ilang negosyante sa pana­hon ng kalamidad.

Samantala, umabot na sa 293 katao ang naitalang patay ng NDCC sa naka­lipas na bagyong Ondoy, lima ang nasugatan at 42 pa ang nawawala.

AURORA-ISABELA

AYON

GINAWA

IDINEKLARA

NATIONAL DISASTER COORDINATING COUNCIL

NORTHERN LU

PANGULO

PANGULONG ARROYO

PRESS SECRETARY CERGE REMON

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with