Pepeng papalo sa signal number 4

MANILA, Philippines - Malamang na pumalo sa signal number 4 ang lakas ng bagyong Pepeng sa ilang lugar sa Northern Luzon dahil sa lakas ng hanging dala nito na umaabot sa 195 kilometro bawat oras malapit sa gitna na may pagbugso hanggang  230 kilometro bawat oras.

Si Pepeng ay inaasa­hang babagsak sa lupa sa Aurora-Isabela area nga­yong araw ng Sabado. ”Dahil nananatili ang lakas ng hangin at 195 kph, it’s still very much possible itataas ang Signal No. 4 habang ito ay  papalapit sa Northern Luzon area…… Under storm signal No. 4, very strong winds of more than 185 kph may be expected in at least 12 hours,” pahayag ni Prisco Nilo, director ng Philippine Ath­ mospheric Geophysical and Atronomical Services (PAGASA) sa isang press conference kaha­pon. 

Sinasabing kung ang bagyong Ondoy ay may dalang malakas na buhos ng ulan kayat binaha ang maraming lugar sa Metro Manila at karatig lalawigan, si Pepeng ay may malakas na hanging taglay.

Kapag signal number 4 umano ay kaya nitong iangat ang isang bahay, patumbahin ang maraming bilang ng mga puno at kayang sumira ng mga kabahayan at gusali ga­yundin ay mawawalan ng linya ng kuryente at signal ng telepono.

Nakataas na ang signal no.3 sa Catanduanes.

Signal no. 2 sa Caga­yan, Camarines Nor­te, Cama­rines Sur, Northern Que­zon, Aurora, Qui­rino, Polillo Islands at Isa­bela.

Signal no.1 naman sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, Abra, Apayao, Kalinga, Calayan, Babuyan Islands, Mt. Province, Ifugao, Ben­guet, La Union, Nueva Viz­caya, Qui­rino, Panga­sinan, Nueva Ecija, Tarlac, Zam­bales, Pam­panga, Bulacan, Laguna, Rizal, Southern Quezon, Marinduque, Al­bay, Sorsogon, Burias Island, Cavite, Ba­tangas, Bataan at Metro Manila.

Si Pepeng ay nama­taan ng PAGASA sa la­yong 180 kilometro sila­ngan hilagang silangan ng Virac, Catanduanes.

Ngayong Linggo, si Pepeng ay inaasahang nasa layong 60 kilometro timog kanluran ng Laoag City at sa Lunes ng umaga ay inaasahang nasa la­yong 380 kilometro kan­luran hilagang kanluran ng Laoag City.

Tinaya ni Nilo na ang 20 porsiyento lamang ng Central Luzon ang ma­apek­tuhan ng bagyong Pepeng. (Angie dela Cruz)

Show comments