MANILA, Philippines - Dapat pagtuunan muna ang pagtulong sa mga biktima ng delubyo bago ang ambisyon sa politika, apela ni Quezon City Majority leader Councilor Atty. Ariel Inton sa mga politiko sa bansa.
Ginawa ni Inton ang pa hayag makaraan ang lumabas na isyu na nagbabalak umanong tumakbo ang popular na television host na si Willie Revillame sa pinakamataas na posisyon sa Quezon City at nakaladkad ang kanyang pangalan na sumusuporta umano dito.
Sinabi ni Inton na wala naman siyang nakikitang problema kung nais talagang tumakbo ni Revillame sa lungsod. Magkakaroon umano ng mas maraming pagpipilian ang mga ma mamayan ng lungsod ngunit sa panahon ngayon ay dapat kalimutan muna ang pulitika at tumutok muna sa pagtulong sa mga biktima upang makabangon ang mga ito sa trahedyang tumama sa kanila.
Naniniwala rin naman si Inton na hindi popularidad ang magiging siyang basehan lamang sa pagpili ng mga residente ng Quezon City. Mas malaking bentahe umano ang pagiging tapat sa panunungkulan. (Ricky Tulipat)